Suportado ni senatorial aspirant Raffy Tulfo ang pagbalik ng Multiply social network para muling mapunan ang libo-libong trabaho na nawala matapos maipasara ang website.

"Of course. Kasi why I'm pro mga manggagawa na naapi, nawalan ng trabaho, na nadedehado," reaksyon ni Tulfo nang tanungin siya sa 'Headstart' ng ANC kung pabor ba siya sa pagbalik-operasyon ng Multiply.

"In this case I know mahigit 12,000 na empleyado ng Multiply na nawalan ng trabaho because of that," lahad pa niya.

Kilala si Tulfo bilang lapitan ng mga naagrabyadong empleyado tungkol sa mga labor issue.

Noong Mayo 31, 2013 napatigil ang operasyon ng Multiply matapos na itinigil ang serbisyong social networking nito para tumuon sa e-commerce.


This free site is ad-supported. Learn more